Mahigit 1 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; 2 suspek, arestado
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang lalaki mula sa Barangay Poblacion, Talitay, Maguindanao del Norte ang naaresto sa isang matagumpay na anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PLTCOL Esmael Madin, katuwang ang PIU-MDN at 1st PMFC-MDN.
Dakong alas-3:45 ng hapon, isinagawa ang operasyon sa Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, sa bisa ng PDEA Regional Office Control Number 30005-072025-0277.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, positibong nabilhan ng poseur buyer ang mga suspek ng hinihinalang shabu. Nahuli sa akto ang dalawa habang aktong nagbebenta ng droga, kung saan narekober ang tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na humigit-kumulang ₱1,020,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Datu Odin Sinsuat MPS ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments