top of page

Mahigit ₱1 milyon halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo, nasamsam ng awtoridad sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; 4 na indibidwal, arestado sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Nov 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Apat na indibidwal ang naaresto matapos ma-flag down ang dalawang sasakyan sa isang joint checkpoint operation sa Brgy. Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, kung saan nadiskubre ang mga pinaniniwalaang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit ₱1 million.


Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Mark,” 52-anyos mula Parañaque City; “Fhad,” 25-anyos, estudyante mula General Santos City; “Lai,” 33-anyos mula Kalamansig, Sultan Kudarat; at “Ver,” 43-anyos mula Davao City.


Inaresto ang mga ito alas 9:20 ng gabi, araw ng Lunes, November 24, 2025.


Ayon sa report, napansin umano ng mga pulis na nakahinto ang kahina-hinala ang mga sasakyan. Sa paglapit, napansin na kinakabahan at hindi cooperative ang mga driver. Sa pag-on ng cabin lights, nakita in plain view ang mga smuggled cigarettes na na nakalagay karamihan sa mga trolley bags.


Nasa 1,925 reams ng sigarilyo ang nasamsam na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,511,125.00.


Agad na inaresto ang mga suspek at nag-coordinate sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.


Ang mga suspek, sasakyan, at nakumpiskang kontrabando ay dinala sa Sultan Kudarat MPS para sa karagdagang imbestigasyon at paghahain ng kaso sa ilalim ng R.A. 12022 o Anti-Economic Sabotage Act.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page