top of page

Mahigit 100 mag-aaral mula sa Bangsamoro communities, sumailalim sa SPES orientation ng MOLE

  • Diane Hora
  • Aug 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni Deputy Minister Tommy Nawa ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) ang orientation.


Layunin nito na gabayan ang mga benepisyaryong mag-aaral, karamihan ay mga college students, na patuloy na nagsusumikap makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon sa buhay.


Ang SPES ay isa sa mga pangunahing programa ng MOLE na layuning magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga estudyanteng kapos sa buhay, mga out-of-school youth, at mga dependent ng displaced o posibleng ma-displace na manggagawa tuwing school break.


Sa ilalim ng pamumuno ni MOLE Minister Muslimin Sema, patuloy ang buong suporta ng ministeryo sa mga kabataang Bangsamoro upang mabigyan sila ng oportunidad at dagdag na kaalaman sa trabaho habang tinutulungan silang makamit ang kanilang mga pangarap sa edukasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page