Mahigit 100 residente ng Timanan, South Upi, Maguindanao del Sur,benepisyaryo sa isinagawang medical mission ng Project TABANG
- Diane Hora
- Nov 14
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng Health Ancillary Services ng Project TABANG, katuwang ang Rural Health Unit, Integrated Provincial Health Office ng Maguindanao, Ministry of Indigenous Peoples Affairs, at lokal na pamahalaan, matagumpay na naisagawa ang medical mission sa Barangay Timanan a-12 ng Nobyembre.
Bilang bahagi ng inisyatiba, nagbigay din ang Project TABANG ng gamot at wheelchairs sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Sa kabuuan, umabot sa 153 residente ang nakinabang sa medical consultations, libreng gamot, at iba pang tulong na hatid ng Bangsamoro Government sa aktibidad.



Comments