Mahigit ₱127,000,000 halaga ng suspected cocaine, narekober ng PNP at PDEA sa Palawan
- Teddy Borja
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa isinagawang joint retrieval operation ng PNP at PDEA, tumitimbang ng mahigit-kumulang 24,003.7 gramo ng pinaniniwalaang cocaine ang narekober ng mga awtoridad.
Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay agad na isinailalim sa kustodiya at ipapasa sa Palawan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, bago ito tuluyang i-turn over sa PDEA Palawan Office para sa wastong disposisyon.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan at posibleng destinasyon ng kontrabando bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga sindikatong sangkot sa transnational drug trade.
Pinuri ni PNP Officer-in-Charge, Police Lieutenant General Edgar Alan Okubo, ang matagumpay na pagtutulungan ng PNP at PDEA, na aniya’y patunay ng matatag na pagpapatupad ng kampanya kontra iligal na droga.
Binigyang-diin din ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Randulf Tuaño, ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang malalaking tagumpay sa pagsugpo ng iligal na droga.
Tiniyak ng PNP na magpapatuloy ang mas pinaigting na operasyon, lalo na sa mga coastal areas at smuggling hotspots, bilang suporta sa layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.



Comments