Mahigit 13.6 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA Regional Office 9 sa isang buy-bust operation; Tricyle driver na HVT, arestado
- Teddy Borja
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng PDEA Regional Office 9 ang mahigit 13.6 milion pesos na halaga ng suspected shabu sa buy-bust operation sa Zamboanga City kung saan arestado rin ang isang tricycle driver na itinuturing na High-Value Target.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Sabado, November 8 sa Barangay Talisayan ng syudad.
Kinilala ang naarestong tricycle driver sa alyas na “Gamar”, 41-years old.
Katuwang ng PDEA sa operasyon ang PDEA RO9 Isabela City, PDEA RO9 Interdiction Unit-Zamboanga City, at PNP RMFB9.
Bukod sa suspected illegal drugs, narekober din sa operasyon ang isang caliber .40 pistol, boodle money at iba’t ibang drug paraphernalia.



Comments