Mahigit 2,000 residente ng Tabina, Zamboanga del Sur, benepisyaryo ng isinagawang comprehensive outreach program ng Project TABANG at LGU
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

147 na residente ng Tabina, Zamboanga del Sur ang nakapagpabunot ng ngipin ng libre, 99 ang nakapagpatuli, 360 na residente ang nakapagpa check-up, 400 na mga bata ang nabigyan ng bitamina at 1,006 naman ang nakatanggap ng maintenance medicines, bitamina, at iba pang essential medical supplies.
Sila ang benepisyaryo ng comprehensive outreach program ng Project TABANG katuwang ng Local Government Unit ng Tabina.
Usinagawa ito, araw ng Biyernes, July 25 sa Municipal Covered Court sa Barangay Poblacion ng bayan.
Naging matagumpay ang outreach sa tulong ng partners at volunteers mula sa Philippine Army, ZDS Youth Leaders, Tabina RHU healthcare professionals, at volunteer doctors mula sa Municipal Rural Health at Department of Education (DepEd).
Comments