Mahigit 2 million pesos na halaga ng suspected shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa Cotabato City; dalawang indibidwal, kabilang, kabilang ang isang tricycle driver, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Nakumpiska ng awtoridad ang mahigit 2 million pesos na halaga ng suspected shabu at naaresto ang dalawang indibidwal, kabilang ang isang tricycle driver, sa ikinasang buy-bust operation
Kinilala ang tricycle driver na naaresto na si alyas “Tats,” 30-anyos, at ang kasama nitong si alyas “Ana,” 31-anyos.
Ikinasa ang operasyon, alas 3:39 ng hapon, Huwebes, November 20, sa Mother Poblacion ng syudad.
Ang pinaniniwalaang iligal na droga ay isinilid sa pitong (7) plastic sachets na tumitimbang ng 305 gramo.
Itinurn-over na sa Regional Forensic Unit–BAR ang mga ebidensiya, nakakulong naman sa Police Station 1 ng Cotabato City Police Office para sa dokumentasyon at proper disposition.



Comments