top of page

Mahigit₱2 million pesos na halaga ng suspected shabu at caliber .38 ang nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Panabo City; Regional Level Target, arestado

  • Teddy Borja
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa Panabo City, timbog ang isang High-Value Individual at Regional Level Target sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad, kung saan nasamsam ang mahigit ₱2 milyon halaga ng suspected shabu at isang caliber .38 pistol.


Kinilala ang suspek sa alyas “Anu”, 53-anyos. Inaresto ang suspek sa Purok Dacudao Extension, Barangay JP Laurel.


Nakumpiska mula sa kanya ang:

355 gramo ng hinihinalang shabu

Caliber .38 revolver at mga bala

Buy-bust money, motorsiklo, at iba pang ebidensya


Ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Panabo City Police Station para sa paghahain ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page