Mahigit 200 kahon ng pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo, nasamsam ng mga elemento ng PNP PRO BAR sa checkpoint operation sa Luuk, Sulu
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit dalawang daang kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga elemento ng PNP PRO BAR sa checkpoint operation sa Luuk, Sulu.
Isinagawa ang operasyon araw ng Miyerkules, July 30 sa Barangay Tubig Putih.
Arestado naman ang tatlong driver kung saan ang isa sa mga ito ay nahulihan ng baril at 21 rounds ng bala.
Nasa kustodiya na ng Luuk ang mga nahuling indibidwal at nasamsam na mga singarilyo para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.
Comments