Mahigit ₱21M smuggled cigarettes, nasamsam ng mga awtoridad sa Zamboanga City
- Teddy Borja
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit ₱21 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam sa isang joint operation.
Isinagawa ang operasyon araw ng Linggo, November 30, sa Port Area, Zamboanga City.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinadong pagtutulungan ng Regional Intelligence Division, Regional Special Operations Unit, Criminal Investigation and Detective Management Unit–Special Investigation Unit (CIDMU–SIU), Regional Maritime Unit 9, Highway Patrol Group, Criminal Investigation and Detection Group, Marine Battalion Landing Team, at Bureau of Customs (BOC).
Sa inspeksyon, nasita ang isang Wing Van na naglalaman ng humigit-kumulang 300 master cases ng iba't ibang klase ng sigarilyo na itinago sa loob ng sasakyan.
Ayon sa paunang pagtataya, ang mga ito ay tinuturing na smuggled cigarettes na may tinatayang market value na ₱21,000,000.00.



Comments