top of page

Mahigit 225, 911 Bangsamoro, Natulungan ng AMBaG Program sa Loob at Labas ng BARMM mula 2019-2025

iMINDSPH


Mula taong 2019 hanggang 2025-


umabot na sa 225,911 ang bilang ng Bangsamorong natulungan ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) Program.


96,776 dito ang babae, 50,368 ang lalaki, at 78,767 ang 15 years old and below.


Sa kabuuang bilang, 145, 739 ang beneficiaries within BARMM at 80, 172 ang beneficiaries outside ng BARMM.


82% dito ang zero balance assistance.


Mula taong 2019 hanggang 2025, ang kabuuang disbursement ng AMBAG ay umabot na sa 1, 007, 967, 495.


Ang AMBaG Program ay isang espesyal na inisyatiba na inilunsad noong 2019 sa ilalim ng pamumuno ni Chief Minister Ahod E. Ebrahim. Layunin nitong magbigay ng agarang suporta sa mga nangangailangang Bangsamoro sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-pinansyal para sa kanilang pagpapagamot sa iba’t ibang partner hospitals sa loob at labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Bukod sa pagbibigay ng tulong medikal, nakipag-ugnayan din ang programa sa iba’t ibang publiko at pribadong ospital upang palawakin ang saklaw ng serbisyo. Sa pamamagitan ng mga ugnayang ito, mas marami pang Bangsamoro ang nagkaroon ng mas mabilis at epektibong serbisyong medikal, anuman ang kanilang katayuan sa buhay.


Habang patuloy ang Bangsamoro Government sa pagsusulong ng Moral Governance, hindi titigil ang AMBaG Program sa pag-abot sa mas maraming nangangailangan. Ang programang ito ay patunay na ang tunay na serbisyo publiko ay dapat nararamdaman ng bawat Bangsamoro—isang serbisyo na hindi namimili ng estado sa buhay, relihiyon, o lokasyon.


Sa kabila ng patuloy na pagharap sa mga hamon sa sektor ng kalusugan, nananatiling matatag ang pangakong walang Bangsamorong maiiwan sa pag-access ng serbisyong medikal.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page