Mahigit 227,000 aktibo at retiradong pulis, matatanggap ang kanilang year-end bonus at cash gift ngayong November 13, 2025
- Diane Hora
- 1 hour ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit 227,000 active members ng PNP at mahigit 2,800 retired members nito ang makatatanggap ng year-end bonus at cash gift.
Ang pondong laan para dito ay mahigit P8.7 bilyon para sa year-end bonus at cash gift na may pondong mahigit P92.8 milyon.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang Year-End Bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay kasama ang ₱5,000 cash gift ay ilalabas kasabay ng unang payroll ng PNP ngayong buwan.
Pinasalamatan ni PNP Officer-in-Charge, Police Lieutenant General Edgar Alan Okubo, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa patuloy na pagkilala sa dedikasyon at sakripisyo sa hanay ng pulisya na patuloy na naglilingkod ng tapat at may integridad.
Batay sa patakaran ng DBM, lahat ng kawani ng gobyerno kabilang ang regular, contractual, casual, part-time, o full-time na nakapaglingkod ng hindi bababa sa apat na buwan mula January 1 hanggang October 31, 2025 ay kwalipikadong tumanggap ng Year-End Bonus at cash gift.



Comments