top of page

Mahigit ₱26M halaga ng hinihinalang marijuana, nasamsam sa baybayin ng San Vicente, Palawan

  • Teddy Borja
  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Natuklasan ang mga kahon na naglalaman ng 31 vacuum-sealed transparent plastic packs ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng humigit-kumulang 21.97 kilo ng mga kabataang naligo sa baybayin ng Danlog, Sitio Gawid.


Agad rumesponde ang mga tauhan ng San Vicente Municipal Police Station, Palawan Police Provincial Office, at ininspeksyon ang mga nasamsam na marijuana bago ito isinailalim sa kustodiya at ipapasa sa Palawan Forensic Unit para sa laboratory examination at tamang disposisyon.


Ayon kay PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr., malaking tagumpay ang operasyon sa pagpigil sa pagpasok ng droga sa komunidad at patunay ng mabilis at maagap na aksyon ng PNP sa ilalim ng kanilang Focused Agenda at Enhanced Managing Police Operations.


Patuloy ring iginiit ni PLTGEN Nartatez na ang PNP ay mananatiling mahigpit laban sa iligal na droga at patuloy na kikilos upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga coastal communities.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page