top of page

MAHIGIT 300,000 MIYEMBRO, OPISYAL AT TAGA SUPORTA NG MILF, DUMAGSA SA CONSULTATIVE MEETING AT GENERAL ASSEMBLY; PAGSISIKAP PARA BANGSAMORO, IBINAHAGI NG MGA MILF LEADERS

iMINDSPH



Mahigit tatlong daang libong miyembro, opisyal at taga suporta ng Moro Islamic Liberation Front ang dumagsa sa Consultative Meeting at General Assembly ng grupo sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.



Ibinahagi ng mga MILF leaders ang kanilang kwento hinggil sa kanilang pagsisikap para sa Bangsamoro.



Dumalo ang 312, 435 na taga suporta, opisyal, at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa isinagawang Consultative Meeting at General Assembly, araw ng Lunes sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.



Ibinahagi naman ng mga MILF leaders ang kanilang patuloy na pagsusumikap at dedikasyon pagpapabuti ng Bangsamoro sa nakalipas na apat na dekadang pakikibaka para sa kapayapaan sa rehiyon simula noon hanggang sa nagkaroon na ng otonomiya ang Bangsamoro.


Binigyang diin sa kanilang mga pahayag na mas lalo pang pinatatatag na samahan at pagkakaisa ng MILF upang maipagpatuloy ang mga layunin nito tungo sa mas progresibong BARMM.


Nanawagan naman ang mga MILF leaders sa mga members at supporters nito na mas palakasin pa ang suporta at pakikiisa ng mga ito sa mga susunod pang hakbangin ng grupo sa pamamagitan ng UBJP upang maipagpatuloy ang mga nasimulan nang magagandang pagbabago at pag-unlad sa Bangsamoro.

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page