top of page

Mahigit 300 alagang hayop, nabigyan ng libreng anti-rabies vaccine, anti-parasite treatment, at sumailalim sa deworming sa tulong ng OCVET at Knights of Columbus

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pagtutulungan ng Office of the City Veterinarian (OCVET) at ng San Andres Council No. 16489 at Young Men Council No. 16935 ng Knights of Columbus, matagumpay na naisagawa ang libreng mass anti-rabies vaccination at animal treatment campaign sa Mother Barangay Kalanganan noong Nobyembre 12.


Layunin ng aktibidad na maprotektahan ang mga residente at kanilang alagang hayop laban sa rabies at iba pang sakit mula sa hayop.


Sa kabuuan, 219 aso at pusa ang nabakunahan laban sa rabies


78 alagang hayop ang sumailalim sa deworming 81 alagang hayop ang nakatanggap ng anti-parasite treatment.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Knights of Columbus sa city government sa liderato ni Mayor Bruce Matabalao para sa matagumpay na aktibidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page