Mahigit ₱4 million halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Dipolog City at Zamboanga City
- Teddy Borja
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang radio technician at tatlo pang indibidwal sa magkahiwalay na buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang mahigit ₱4 million halaga ng suspected shabu.
Ikinasa ng awtoridad ang operasyon sa Dipolog City, alas-2:30 ng hapon, araw ng Biyernes, November 21, sa Barangay Miputak.
Ang radio technician ay limampung taong gulang at residente ng Barangay Central ng lungsod.
Nakumpiska mula sa suspek ang 200 gramo ng suspected shabu na may estimated value na ₱1,360,000.
Iniulat naman ng management ng radio station na pinagtatrabahuhan ng suspek ang dagdag na suspected illegal drugs sa loob ng kwarto ng suspek na nasa premises ng istasyon.
Narekober dito ang humigit-kumulang 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040,000.
Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala na sa Zamboanga del Norte Provincial Forensic Unit para sa proper documentation at laboratory examination.
Samantala-
Sa hiwalay na operasyon, ang tatlo pang indibidwal na naaresto ay edad 38, 33, at 22.
Hinuli ang mga ito alas-2:52 ng madaling araw, Linggo, November 23.
Narekober ng awtoridad sa operasyon ang mahigit kumulang 155 gramo ng suspected shabu na may estimated value na ₱1,054,000.
Ang mga confiscated evidence ay isinumite na sa ZCPO Forensic Unit para sa chemical examination, habang isinailalim naman sa physical at drug testing ang mga suspek sa Zamboanga City Medical Center bago ang kanilang detensions sa ZCPS 11 Facility.



Comments