Mahigit 400 residente ng Buadiposo-Buntog at Bubong, Lanao del Sur benepisyaryo sa isinagawang medical mission ng Project TABANG sa ilalim ng Serbisyong Ayudang Medikal o SAM Program
- Diane Hora
- Aug 12
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng commitment na dalhin ang essential healthcare services at mas ilapit sa Bangsamoro people, matagumpay na isinagawa ng Office of the Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, sa pamamagitan ng Project TABANG, ang medical mission sa mga bayan ng Buadiposo-Buntog at Bubong, Lanao del Sur.
Isinagawa ito araw ng Lunes, August 11 hanggang August 12 sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni MP Atty. Alirakim Munder.
Ipinatupad ito sa ilalim ng Serbisyong Ayudang Medikal (SAM) program, nagbigay ang medical mission ng free medical consultations at essential medicines sa 420 beneficiaries, para masiguro na kahit ang mga malalayong komunidad ay may access sa timely at quality healthcare assistance.
Pinapatunayan din sa hakbang na ito ayon sa Project TABANG, ang dedikasyon ng Bangsamoro Government sa inclusive, accessible, at community-centered medical services, na layong iangat ang health standards sa buong rehiyon.
Naging posible ang success ng mission dahil sa strong collaboration ng iba’t ibang BARMM agencies, volunteers, at local government units.



Comments