Mahigit 400 residente ng Talayan, Maguindanao del Sur, benepisyaryo sa libreng serbisyong medikal, handog ng tanggapan ni MP Michael Midtimbang
- Diane Hora
- Aug 12
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit apatnaraang (400) residente ng Talayan, Maguindanao del Sur ang nakabenepisyo sa libreng serbisyong medikal, handog ng tanggapan ni MP Michael Midtimbang
Isingawa ito ngayong araw, August 12, 2025 sa gymnasium ng baranggay South Binangga.
Mahigit 400 na residente ang natulungan upang tugunan ang kanilang pangangailangan ng baranggay.
Hatid ng medical program ang libreng gamot at libreng check up sa mga residente. Nagsimula ito alas 8;00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Katuwang ng tanggapan ng mambabatas ang Ministry of Health, IPHO Maguindanao, RHU ng Talayan at IBHOPE.
Ang hakbang ay suportado ni Interim Chief Minister Abdulraof, at ni Governor Datu Ali Midtimbang Sr.



Comments