Mahigit ₱400K halaga ng umano’y smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi
- Teddy Borja
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang mahigit ₱400,000 na umano’y puslit na sigarilyo sa isinagawang mobile patrol operation.
Ikinasa ang operasyon alas-9:20 ng gabi, araw ng Huwebes, November 20.
Isinilid ang sinasabing kontrabando sa 11 master cases na iniwan sa docking area.
Dinala na sa Tawi-Tawi MARPSTA ang mga nasamsam para sa documentation at itinurn over sa BOC Sub-Port Bongao para sa tamang disposition.



Comments