top of page

Mahigit 500 indibidwal, nakabenepisyo sa “Usap Tayo, Gob” program ni Basilan Governor Mujiv Hataman

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa programang “Usap Tayo, Gob” ni Governor Mujiv Hataman, mas napapalapit ang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan at mas natutugunan ang kanilang agarang pangangailangan.


Sa isinagawang aktibidad nitong Miyerkules, mahigit 500 indibidwal ang naserbisyuhan.


Nabigyan ng cash aid ang 224 pamilya mula sa PSWDO, 188 katao ang nakatanggap ng hiwalay na cash assistance, 32 indibidwal ang nabigyan ng medical assistance, at 101 beneficiaries naman ang napasailalim sa on-site medical services.


Bukod dito, 2,988 student applications para sa educational assistance ang tinanggap at kasalukuyang iva-validate ng PSWDO.


Hinimok naman ni Governor Hataman ang mga residente na sumunod sa itinakdang sistema upang maiwasan ang aberya sa pagkuha ng tulong.


Naglagay rin ng priority lanes para sa mga buntis at senior citizens upang mapabilis ang serbisyo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page