Mahigit ₱500K halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam sa operasyon ng CIDG; dalawang suspek, timbog sa operasyon
- Diane Hora
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng umano’y smuggled cigarettes ang nakumpiska ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Lagao. Arestado naman ang dalawang suspek sa operasyon.
Bandang alas-7:45 ng gabi, araw ng Miyerkules, December 17, nang ikasa ng CIDG Regional Field Unit 12 ang operasyon laban sa umano’y iligal na kalakalan ng sigarilyo sa Agan Centro, Barangay Lagao, General Santos City.
Katuwang ng CIDG sa operasyon ang territorial police unit at ang Bureau of Customs–Region 12.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mohaymen,” 30 taong gulang, at alyas “Camil,” 55 taong gulang.
Pinuri rin ng pamunuan ng CIDG ang pamumuno ni Annie Langcay, Regional Chief ng CIDG Regional Field Unit 12, kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan, sa matagumpay na pagkakasamsam ng mga umano’y smuggled tobacco products at pagkakaaresto sa mga suspek.



Comments