top of page

Mahigit ₱588,000 halaga ng puslit na sigarilyo, nasabat sa Maluso, Basilan; dalawang suspek, arestado

  • Teddy Borja
  • 20 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit kalahating milyong pisong halaga ng puslit na sigarilyo at arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang anti-smuggling operation ng pulisya.


Nasamsam ng mga operatiba ng Maluso Municipal Police Station ang labinlimang kahon ng mga puslit na sigarilyo sa isinagawang anti-smuggling operation noong Disyembre 29, 2025 sa Barangay Lower Portholland, Maluso, Basilan.


Bukod sa mga smuggled cigarettes, narekober din ng pulisya ang isang Suzuki mini van na ginamit umano sa pagdadala ng mga ilegal na produkto. Dalawang indibidwal ang inaresto sa naturang operasyon.


Isinailalim sa inventory at dokumentasyon ang mga nasamsam na ebidensya bago ito ipinasa sa Provincial Customs Office para sa tamang disposisyon.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law laban sa mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page