Mahigit 6.7 million pesos na halaga ng iligal na droga, nasamsam ng awtoridad sa loob ng 1 linggong operasyon
- Diane Hora
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit 6.7 million pesos na halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa loob ng isang linggong operasyon.
Mula sa 137 anti-illegal drugs operations na ikinasa ng mga tauhan ng PNP PRO 11, 103
dito ay buy-bust operations, 17 ang pagsisilbi ng warrant of arrest, 4 ang search warrants, 1 ang inflagrante delicto arrest, 7 ang checkpoint operations, 3 ang incidental search to lawful arrest, at 2 ang police responses.
Nagresulta ang mga nabanggit
na operasyon sa pagkakakumpiska ng 972.9942 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng
Php 6,616,360.56, at 1,078.9755 gramo ng marijuana leaves, na nagkakahalaga ng Php 129,477.06.
Sa kabuuan, 168 drug personalities ang arestado, kabilang dito ang 27 High-Value Individuals (HVI) at 141 Street-Level Individuals (SLI).



Comments