Mahigit 600 na mga armas na nalikom ng 57th IB at JPST mula sa mga residente ng Upi, MDN, iprenisinta ngayong araw kay Western Mindanao Commander Major General Donald Gumiran
- Teddy Borja
- 4 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

Matagumpay ang isinagawang Assistance for Security, Peace, Integration and Recovery for Advancing Human Security in BARMM o ASPIRE at Small Armas and Light Weapons o SALW Caravan sa bayan ng Upi, ngayong araw.
Pormal na iprenisinta sa program ang mahigit 600 armas na nalikom ng 57th Infantry Battalion at Joint Peace and Security Team (JPST) mula sa mga residente ng bayan
Ang ASPIRE o Assistance for Security, Peace, Integration, and Recovery for Advancing Human Security in BARMM ay isang proyektong pinondohan ng Japan government sa ilalim ng United Nations Development Programme (UNDP) na layong isulong ang seguridad ng mamamayan sa pamamagitan ng pagtugon sa aspeto ng kapayapaan, recovery, integration, at socio-economic development sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Naghayag naman ng suporta sa programa si Upi Municipal Mayor Ma. Rona Cristina Piang-Flores.



Comments