iMINDSPH

Makulay at matagumpay ang pagbubukas ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet 2025, araw ng Lunes, Marso 3, sa South Cotabato Sports Complex, Koronadal City!

Mahigit 7,000 athletes, coaches, at iba pang mga delegado mula sa iba't ibang bahagi ng Rehiyon XII ang magpapalakas ng kanilang husay, tiyaga, at dedikasyon sa iba't ibang larangan ng palakasan.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., ang matagumpay at makulay na opening ceremony ay patunay ng ating pagkakaisa at pagtutulungan!

Bilang co-host ng SRAA Meet 2025, ang Provincial Government of South Cotabato, aniya at ang City Government ng Koronadal ay magkasamang nagtatrabaho upang matiyak na ang lalawigan at lungsod ay magiging isang maayos, ligtas, at world-class na venue para sa ating mga atleta at bisita.

Nagpapasalamat ang gobernador kay Koronadal City Mayor Eliordo Ogena at sa buong City Government of Koronadal sa kanilang buong suporta at pagsisikap upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng event. Ang kanilang dedikasyon at pagtutulungan sa provincial government ay isang patunay na kapag may pagkakaisa, walang imposibleng makamit!

Sa mga darating na araw, asahan natin ang mahigpit ngunit patas na labanan sa iba't ibang sports events. Ngunit higit sa kompetisyon, ayon kay Governor Tamayo ay ang tunay na diwa ng SRAA Meet ang pagkakaisa, disiplina, at pagpupursige ng ating mga kabataang atleta.

Ang magiging resulta ng kompetisyon ngayong linggo ang magpapakita kung gaano kagaling at ka-angat ang Rehiyon 12 sa buong Pilipinas. Paghimok ng opisyal na kailangan ipakita sa buong bansa na ang Rehiyon 12 ay Angat sa Lahat!

Comments