Mahigit ₱7.5 milion pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam sa buy-bust operation ng awtoridad sa Bogo City, Cebu; High-Value Individual, timbog sa operasyon
- Teddy Borja
- 22 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit ₱7.5 million pesos na halaga ng suspected shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation kung saan arestado ang isang high-profile drug personality.
Isinagawa ng Philippine National Police ang buy-bust operation bandang 12:06 ng tanghali, Disyembre 28, 2025, sa Barangay Don Pedro, Bogo City, Cebu.
Ikinasa ito ng pinagsanib na pwersa SOU 7 ng PNP Drug Enforcement Group, Bogo City Police Station sa ilalim ng Cebu Police Provincial Office, IMEG 7, RIU 7 ng Integrity Group, at PDEA Regional Office 7.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Bogo City Police Station para sa booking at dokumentasyon.
Samantala, ang hinihinalang shabu ay ipinasa naman sa Regional Forensic Unit 7 para sa laboratory examination.
Ayon sa pamunuan ng PNP, ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang matigil ang mga sindikatong patuloy na nagbabanta sa kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.



Comments