Mahigit 90,000 learning resources, ISAL reference materials, tumblers at armchairs, ipinamahagi ng MBHTE sa mga paaralan sa Basilan at Lanao del Sur
- Diane Hora
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang pagsusumikap ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro.
Sa ilalim ng Project IQBAL, naipamahagi ang kabuuang 5,448 MBHTE-designed armchairs sa Schools Division Office ng Basilan bilang suporta sa mas maayos at komportableng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Samantala, sa Schools Division Office ng Lanao del Sur II, ipinamigay rin ng MBHTE ang 57,099 kopya ng learning resources, 36,492 ISAL reference materials, 93 tumblers at 93 sets ng heavy-duty combo chairs at mesa.
Ang mga ito ay bahagi ng Project Improve Quality Education in the Bangsamoro Land o IQBAL, na layuning tugunan ang pangangailangan sa pasilidad at gamit-pampaaralan sa rehiyon.



Comments