top of page

Mahigit isang daang residente ng Rosary Heights 12, Bagua 2 at Bagua 3, nakabenepisyo sa pagpapatuloy ng libreng serbisyong medikal at libreng gamot, handog ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo

  • Diane Hora
  • Aug 18
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit isang daang residente ng Barangay Rosary Heights 12, Bagua 2 at Bagua 3, Cotabato City ang naka avail ng libreng serbisyong medikal at libreng gamot sa patuloy na paghahatid ng medical mission ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo.


Ngayong araw ng Lunes, August 18, 2025 hatid ng mga kawani ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo sa barangay Rosary Heights 12 ang libreng serbisyong medikal para sa mga residente ng Rosary Heights 12, Bagua 2 at Bagua 3.


Matagumpay na naidaos ang medical mission sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at Ministry of Health.


Nagpapasalamat naman kay MP Atty. Naguib Sinarimbo ang kapitan ng barangay, Melissa Faye Singh sa tulong na natanggap ng kanyang mga kabarangay.


Taos puso namang nagpapasalamat ang mga residente ng nasabing mga barangay sa tulong medikal na kanilang natanggap ngayong araw.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page