iMINDSPH

222 na adult patients ang nakapagpakonsulta ng libre at 46 ang mga bata. Nabigyan din ng gamot ang mga ito.

52 patients ang nakapagpabunot ng ngipin at 39 ang nakapagpatuli.

145 residents ang nabigyang ng reading eye glasses, limang daang ang benepisyaryo ng feeding program at 300 residents ang nabigyan ng tsinelas.

Ito ang hatid ng Medical and Dental Mission at Outreach Program sa mga residente ng Mangudadatu.

Ang mission at outreach program ay isinagawa sa Barangay Tenok ng bayan.

Ang programa ang isa sa mga itinataguyod ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Nais ng gobernador na mailapit sa taumbayan ang serbisyo ng gobyerno.
Comentários