iMINDSPH

Labis ang kasiyahan ng mga humigit kumulang isang libong residente ng Barangay SIBUTO sa handog ng programang Solid DOS Medical Outreach Program:Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat at ng Serbisyong tampil tanu sa Maguindanao del NORTE ni Former TESDA Secretary Suharto "Gov Teng" Mangudadatu.

Katuwang parin sa programa ang Tiyakap DLS Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat at Alagang DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat, Alhadj.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at bukas-palad na pagtulong, naipadama natin na ang malasakit ay hindi lang ipinapakita sa salita kundi sa gawa.

Narito ang patuloy na inihahatid na serbisyo ng Solid DOS Medical Outreach Program sa lahat ng mga Barangay.
GINHAWA PROGRAM
-Isang Livelihood Assistance na nagbibigay ng panimulang pagkakakitaan tulad ng mga Sari-sari Store starter kit at mga inahing Kambing.
TULONG MEDIKAL "Mayor Lester Clinic on Wheels"
- Tulong pangkalusugan na handog ay libreng Check up at Gamot.
PABISIKLETA NI YORME
- Munting regalo ni Working Mayor DLS para sa mga bata sa tuwing idinadaos ang Medical Outreach Program.
FOOD ASSISTANCE
- Pamamahagi ng FOOD PACKS (Rice with Groceries) at Vegetable seeds para sa lahat.
FEEDING PROGRAM
-Nutritious meal para sa mga bata
at pamamahagi ng Tsinelas
Muling nabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Brgy. SIBUTO na maka-avail ng FREE Application ng Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.
Samantala ang Serbisyong Tampil Tanu sa Maguindanao del Norte ni Former TESDA Secretary Suharto "Gov Teng" Mangudadatu,PhD ay may hatid na
Dental
Medical and Eye Check up
Circumcission
Wellness and Nutrition
Slippers Distribution
Legal Services

Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay flagship program ng Lokal na Pamahalaan. Ito ay sa inisyatibo ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat.

Layunin nito na mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat upang magbigay ng oportunidad at suporta sa mga kababayan nating nasa barangay.

Matagumpay na naisakatuparan ang programa sa pakikipagtulungan ni Barangay SIBUTO Former Chairman Bai Farisha Sinsuat-Utto, RHU-DOS(IPHO-Maguindanao) at Barangay Nutrition Scholar(BNS).

Comments