top of page

MAHIGIT KUMULANG 20,000 PAMILYA, APEKTADO NG BAHA DAHIL SA NARARANASANG PAG-ULAN DULOT NG SOUTHWEST MONSOON NA PINALAKAS NG BAGYONG BEBINCA

iMINDSPH



Mahigit kumulang dalawampung libong pamilya sa Maguindanao del Norte ang apektado ng baha dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon na pinalakas ng bagyong bebinca. Ito ay base sa isinagawang validation ng tanggapan ni Rep. Bai Dimple Mastura kasama ang DSWD Region 12.


Nag-ikot ang LIMO Emergency Response Team ni Rep Bai Dimple Mastura kasama ang DSWD 12 sa iba’t ibang lugar sa Maguindanao del Norte at inalam ang sitwasyon ng mga residente kasunod ng pagragasa ng baha dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng southwest monsoon na pinalakasng bagyong Bebinca.



Base sa resulta ng kanilang validation, mahigit kumulang dalawampung pamilya ang apektado ng baha sa mga bayan ng Sultan Kudarat, Datu Odin Sinsuat, Parang, Barira, Northern Kabuntalan, Mother Kabuntalan, at Datu Blah Sinsuat, maging ang lungsod ng Cotabato.



Ilang bahay din ang nasira dahil sa baha.



Kasunod ng validation ay ang pamamahagi na ng tulong ng tanggapan ng mambabatas kasama ang DSWD.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page