iMINDSPH

Mahigit 10 million pesos na halaga ng Marijuana Plants ang binunot ng PDEA sa isang plantasyon sa Sulu.

Matatagpuan ang plantasyon sa Barangay Pitogo, Kalingalan Caluang, Sulu na may lawak na 1,950 square meters.

Ang kabuuang halaga ng mga binunot na Marijuana base sa Dangerous Drugs Board National Average Value ay nasa Php 10,277,000.

Ayon sa report ng PDEA BARMM isang alyas “Mahdi” ang nangangasiwa sa taniman na wala sa lugar nang mangyari ang operasyon.
Agad sinira ng otoridad ang mga binunot na tanim ng Marijuana at sinunog mismo sa site.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments