Mahigit P100K halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA BARMM sa ikinasang buy-bust operation sa Wao, Lanao del Sur; target sa operasyon, arestado
- Teddy Borja
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang regional target sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA BARMM.
Isinagawa ang operasyon, araw ng Sabado, November 22, sa Purok 2, Barangay Kilikili East, Wao, Lanao del Sur.
Tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets suspected shabu ang nasamsam, tumitimbang ng mahigit kumulang 15 gramo.
Ang suspek, na kinilala sa alyas na “Allan,” ay nakakulong na sa PDEA BARMM Jail Facility habang hinihintay ang inquest proceedings para sa paglabag sa RA 9165.



Comments