Mahigit P2 milyong piso na halaga ng suspected shabu, nakumpiska ng awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga City kung saan arestado ang 4 high-value individuals
- Teddy Borja
- Dec 8
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ng awtoridad ang isang 38-anyos na lalaki mula Barangay Baliwasan at isang 33-anyos na lalaki mula Patikul, Sulu. Nakumpiska mula sa mga ito ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱340,000.00.
Agad na isinailalim sa pagsusuri ng Zamboanga City Forensic Unit ang nakuhang ebidensya, habang dinala sa kustodiya ng ZCPS 5 ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Samantala, bandang 9:33 ng gabi, isa pang operasyon ang isinagawa ng awtoridad sa Purok 1, Barangay Sinunuc, Zamboanga City, kung saan naaresto ang isang 25-anyos na lalaki mula Luuk, Jolo, Sulu, at isang 30-anyos na lalaki mula Barangay Kasanyangan, Zamboanga City.
Nasamsam mula sa mga ito ang limang heat-sealed sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 250 gramo, na may standard drug price na ₱1,700,000.00.
Isusumite ang mga ebidensya sa Regional Forensic Unit 9 para sa pagsusuri, habang ang mga suspek ay dadalhin sa ZCPS 11 detention facility para sa inquest proceedings at pagsasampa ng kaso.
Pinuri ni Police Brigadier General Edwin Quilates, Regional Director ng PRO 9, ang mahusay at koordinadong operasyon ng lahat ng kasangkot na yunit. Aniya, ang pagkakadakip sa apat na HVI sa loob lamang ng isang araw ay patunay ng matibay na paninindigan ng PRO 9 na buwagin ang mga drug network, alinsunod sa direktiba ng Chief, PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr.
Nanawagan din ang PRO 9 sa publiko na maging mapagmatyag at patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad upang makamit ang isang mas ligtas at drug-free na Zamboanga Peninsula at Sulu.



Comments