top of page

Mahigit P27 million na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Panabo City, Davao del Norte; 2 high-value individuals, arestado sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit P27 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa anti-illegal drug operation na ikinaaresto ng dalawang high-value individuals.


Umabot sa 4,060 gramo ng suspected shabu ang nasamsam ng awtoridad sa operasyon, araw ng Biyernes, December 5, sa Barangay San Francisco.


Kinilala ng awtoridad ang mga naaresto na sina alyas “Gang” at alyas “Cesar.”


Ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Panabo City Police Station para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Hinihikayat din ng PRO 11 ang publiko na manatiling mapagmatyag at patuloy na makipagtulungan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Davao Region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page