Mahigit P295K halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa checkpoint operation sa Kabacan, Cotabato; 35-anyos na lalaki, arestado
- Teddy Borja
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ang mahigit 295 thousand pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa checkpoint operation na ikinasa ng awtoridad, kung saan arestado ang isang 35-anyos na lalaki.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Amir”, residente ng Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Inaresto ito sa checkpoint operation sa Kayaga, Kabacan, araw ng Miyerkules, November 26.
Matapos itong walang maipakitang legal na dokumento sa karga nitong mga sigarilyo.
Dinala na ang suspek sa Kabacan Municipal Police Station para sa proper disposition.



Comments