Mahigit P500K halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa operasyon sa Panabo City, Davao del Norte; 2 indibidwal, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- Dec 9
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit limang daang libong piso naman na halaga ng shabu ang nasamsam ng awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation.
Ikinasa ang operasyon, ala 1:28 ng madaling araw ng Sabado, December 6 sa Barangay JP Laurel.
Arestado naman ang isang alyas “Noli” at alyas “Froi”.
Nakuha sa mga suspek ang walong sachets ng suspected shabu na tumitimbang ng 80.3 gramo.
Nasa kustodiya na ng Panabo City Police ang mga suspek para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.



Comments