Mahigit P9M halaga ng shabu, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Davao City; Top Davao Drug Suspect, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit siyam na milyong piso na halaga ng shabu, nasamsam sa operasyon ng awtoridad sa Davao City kung saan arestado ang isang Top Davao Drug Suspect.
Ang suspek ay isang 25-anyos na lalaki.
Ayon sa PNP, isinilid ang suspected shabu sa heat-sealed sachets.
Nahuli ang suspek sa buy-bust operation sa Matina Pangi.
Ayon sa PNP, ang tagumpay ng operasyon na ikinasa ng mga elemento ng Talomo Police Station 3-Drug Enforcement Unit ay patunay ng determinasyon ng kapulisan na sugpuin ang ilegal na droga sa komunidad.



Comments