top of page

Mahigpit na ipatutupad ng Project TABANG ang paggamit ng TDMIS bilang opisyal na document tracker

  • Diane Hora
  • Dec 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isinagawa ang coordination meeting nitong Martes, December 16, 2025, kung saan pormal na itinakda ang TABANG Database Management Information System o TDMIS bilang nag-iisang opisyal na platform para sa inventory, pagre-record, pag-validate, pagproseso, at pagbuo ng mga ulat kaugnay ng lahat ng TABANG assistance.


Layunin ng hakbang na magkaroon ng iisang pamantayan sa data handling at maiwasan ang anumang pagkakaiba o hindi pagkakatugma ng impormasyon sa iba’t ibang yunit, component, at awtorisadong personnel ng proyekto.


Binigyang-diin ni Project TABANG Information and Communications Head Hadji Harris Ismael ang kahalagahan ng paggamit ng TDMIS sa database management at inventory access.


Ibinahagi rin niya ang nalalapit na pag-install ng TDMIS Data Server na idinisenyo upang suportahan ang LAN o offline connection para sa tuloy-tuloy na data encoding.


Samantala, ipinaliwanag ni TDMIS System Administrator Faizal Mangulamas ang tamang paggamit ng sistema ayon sa bawat component ng Project Management Office, kabilang ang Health, Livelihood, at Humanitarian Response and Services, upang masiguro ang pare-parehong data entry at reporting.


Tinalakay naman ni Planning and Research Head Sajid Namla ang mga pangunahing mekanismo ng TDMIS para sa masusing monitoring ng factual data at inventory management, gayundin ang target na ganap na maitatag ang TDMIS Data Server pagsapit ng 2026.


Ayon sa Project TABANG, lahat ng datos kaugnay ng mga benepisyaryo, aktibidad ng programa, dokumento, at mga ulat ay kinakailangang i-encode na lamang sa pamamagitan ng TDMIS.


Inatasan ang mga focal person at designated personnel na tiyaking kumpleto, beripikado, napapanahon, at maayos na natatrack ang lahat ng impormasyon sa kani-kanilang yunit.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page