Finance, Budget and Management Committee ng BTA Parliament, nangakong bibilisan ang review at approval ng key bills na nasa komite bago ang first parliamentary election sa BARMM
- Diane Hora
- May 26
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap sa pulong ang Finance, Budget and Management Committee, araw ng Biyernes, May 23.

Ang komite na ngayon ay pinamumunuan na ni MP Kitem Kadatuan ay nangakong bibilisan ang pagreview at pag apruba ng mga natitirang panukalang batas ng komite bago ang first parliamentary election sa BARMM sa Oktubre.

Kabilang sa bibigyang prayoridad ng komite ay ang Bangsamoro Revenue Code at ang Budget System Act.

Dagdag ng mambabatas na ang legislative priorities ay naayon sa direktiba ni Chief Minister Abdulraof Macacua na bilisan ang government processes.



Comments