iMINDSPH
Sumuko sa pamunuan ng Police Regional Office BAR ang Mamadra Group, isang potential armed group sa Sultan Mastura, Maguindaanao del Norte. Ang grupo ayon sa PNP PRO BAR ay mayroong mahigit kumulang anim na armas at nag-ooperate sa nasabing bayan.
Iprenisinta ng PNP PRO BAR ang mga miyembro ng Mamadra Group na sumuko sa kanilang pamunuan, araw ng Lunes. Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang armas.
Ang Mamadra Group ayon sa PNP PRO BAR ay isang potential armed group na nag-ooperate sa Barangay Balut at Bugabong, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Ang grupo ayon sa PNP PRO BAR ay armado ng mahigit kumulang anim na armas.
Naitatag ang grupo ayon sa otoridad taong 2013.
Ang seremonya araw ng Lunes ay pinangunahan ni Police Brigadier General Prexy Tanggawohn at Sultan Mastura Mayong Zulficar Panda.
Comments