top of page

Manay, Davao Oriental, niyanig ng 6.7 magnitude na lindol; Pagyanig, naramdaman din sa malaking bahagi ng Mindanao

  • Diane Hora
  • 23 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Alas 11:00 kaninang umaga nang niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Manay Davao Oriental.


Naramdaman din ang lindol sa ilan pang bahagi ng Mindanao.


Naitala ang Intensity V sa Manay, Davao Oriental; Hinatuan, Surigao del Sur; at Talacogon, Agusan del Sur.


Intensity IV sa Bislig City at Cagwait, Surigao del Sur; Tarragona at Cateel, Davao Oriental.


Intensity III sa Tandag City, Surigao del Sur; Boston at Baganga, Davao Oriental; at Claver, Surigao del Norte.


Intensity II sa Davao City; General Santos City; Butuan City; Baybay City, at Palo, Lyete; Hinundayan, San Juan, at San Francisco, Southern Leyte.


Naitala naman ang Instrumental Intensities sa iba pang lugar.

Intensity IV sa Malungon, Sarangani.


Intensity III sa Kiamba, Sarangani; Digos City ,Davao del Sur at Davao City.


Ayon sa Phivolcs, ang magnitude ay sukat ng enerhiya ng lindol mula sa focus. Ito ay kinakalkula mula sa mga lindol na naitala ng seismograph.


Habang ang intensity naman ay lakas ng lindol na nararamdaman at nakikita ng mga tao sa isang lugar.


Ito ay batay sa magkakaugnay na epekto sa mga tao, mga bagay, kapaligiran, at mga estruktura sa paligid.


Ang intensity ay kadalasang higit na mataas malapit sa epicenter.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page