Manggagawa, nakamit ang ₱20K Wage Differential sa pamamagitan ng amicable settlement sa MOLE-BARMM
- Diane Hora
- Aug 7
- 1 min read
iMINDSPH

Nakuha ng isang manggawa sa BARMM ang kanyang ₱20,000 wage differential matapos ang isang amicable settlement sa MOLE BARMM.
Tinanggap ito ng manggagawa, araw ng Martes, August 5 sa tanggapan ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) Regional Office, Bangsamoro Government Center.
Ang kaso ay nag-ugat sa underpayment of wages at naresolba sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA) — isang conciliation-based intervention sa ilalim ng Labor Case Management Program (LCMP) ng Bureau of Labor Relations and Standards (BLRS) ng MOLE.
Sa ilalim ng pamumuno ni Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema, patuloy ang MOLE sa pagbibigay ng mabilis, accessible, at makataong serbisyo upang matiyak na ang mga manggagawa sa rehiyon ay nakakakuha ng nararapat para sa kanila.
Ayon sa MOLE, ang mga ganitong tagumpay ay patunay ng epektibong conciliation at mediation efforts na layuning iwasan ang matagal na proseso sa korte at mas mapabilis ang hustisya para sa mga manggagawa.



Comments