MAPADTIMBANG Free LET Review Program ng Maguindanao Del Sur Provincial Government, malapit nang simulan
- Diane Hora
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Inilabas na ng Maguindanao Provincial Government ang listahan ng mga pumasa sa qualifying examinations para maging bahagi ng MAPADTIMBANG Free LET Review.
Ipinapaalam sa mga pumasa ang registration at orientation ay isasagawa ngayong araw, November 26 hanggang bukas, November 27, 2025 sa CBRC Cotabato City at CBRC Tacurong City.
Hinihikayat ang mga kwalipikadong kalahok na sundin ang mga mahahalagang instructions at guidelines sa orientation.
Magsisimula ang review classes sa November 28, 2025.
Ang programang ito ay inisyatiba ng Provincial Government upang tulungan ang mga nagtapos ng Edukasyon at naghahangad na maging isang Licensed Teacher.



Comments