Mataas na pamasahe sa eroplano ng Cotabato-Manila at vice versa, isinangguni ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa DOTr
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Nakipagpulong si Cong. Bai Dimple Mastura sa Department of Transportation (DOTr) upang higit pang mapalakas at mapabilis ang mga proyektong pang-transportasyon at imprastruktura para sa kanyang distrito.
Layunin ng pagtutulungan na ito na masigurong diretso at mararamdaman ng mga mamamayan ang benepisyo ng modernisadong transport system, mula sa mas ligtas na kalsada, mas episyenteng biyahe, hanggang sa mas maayos na public transport services.
Isinangguni din ng kongresista kung papaano ma-regulate at matugunan ang mataas at patuloy na tumataas na presyo ng plane ticket ng Cotabato-Manila at vice versa.



Comments