top of page

Matanog Special Economic Zone, konkretong patunay ng pagkilos at malasakit ng lokal na pamahalaan ng Matanog ayon kay Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura

  • Diane Hora
  • Nov 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang katuparang minimithing pag-unlad at hangad sa bawat bayan sa Maguindanao del Norte ang nasaksihan ni Governor Tucao Mastura sa groundbreaking ng Matanog Special Economic Zone.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Governor Mastura na matagal na niyang layunin na mabigyan ng sapat na kabuhayan o livelihood program ang mga mamamayang Bangsamoro, lalo na sa lalawigan.


Dagdag ng gobernador na ang mga hakbang tungo sa pag-unlad ng bayan ng Matanog ay kongkretong patunay aniya ng pagkilos at malasakit ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Zohria Bansil Guro.


Ipinahayag din ng gobernador ang kanyang paghanga sa patuloy na pag-unlad ng bayan, na dati’y kinikilala bilang war zone ngunit ngayon ay umaangat bilang isa sa mga sentro ng pag-unlad at oportunidad sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page