iMINDSPH
Dadalo sana sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod ngayong araw si Mayor Bruce Matabalo para matuldokan na ang usapin hinggil sa isyu ng pondo at mass termination ng mga Contract of Service employees, pero walang quorum ang konseho dahil marami sa mga konsehal ang hindi nakarating sa sesyon.
Sa kabila nito, kinausap pa rin ng alkalde ang mga empleyado ng SP.
Sa facebook live ni Mayor Bruce Matabalao, makikita na nagtungo ito sa tanggapan ng Cotabato City Council kaninang umaga.
Ngayong araw ang schedule ng sesyon ng konseho, pero walang quorum dahil maraming konsehal ang hindi nakarating sa sesyon.
Sa kabila nito, kinausap pa rin ng alkalde ang mga empleyado ng konseho at ipinarating ang kanyang mensahe sa usapin ng pondo.
Comments