top of page

Mayor-elect Baba Abas, Vice Mayor-elect Datu Bobsteel Sinsuat, at mga nanalong konsehal sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nanumpa na

  • Diane Hora
  • 10 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nanumpa kay Regional Trial Court Branch 15 Executive Judge Anabelle Piang ang mga nanalong kandidato sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, araw ng Huwebes, May 29.



Ang oath-taking ay pinangunahan ni Mayor-elect Abdulmain "Baba" Abas, Vice Mayor-elect Datu Bobsteel Sinsuat at mga konsehal na sina Sophia Abas, Bai Sheng Druz Ali, Sorab Lumanggal, Rahib Diocolano, Ted Moinggit at Datu Uga Sinsuat.



Aasahan umano ang maraming pagbabago sa bayan ng Datu Odin, ayon sa bagong halal na alkalde at bukas din umano sila sa pakikipag-ayos sa kanilang mga katunggali.



Positibo naman si Vice Mayor-elect Datu Bobsteel Sinsuat na maisasakatuparan ang serbisyo, programa at proyekto sa bayan sa tulong ng mga bagong talaga na gobernador at bise gobernador ng lalawigan at BARMM Government.



Ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Datu Odin ay sinaksihan nina

Vice Governor-elect Datu Marshall Sinsuat, Datu Blah Sinsuat Mayor-elect Raida Tomawis Sinsuat, mga kaibigan, supporters at kamag-anak ng pamilya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page