Mga miyembro ng BTA Parliament, naghayag ng suporta at nanawagan na panatilihin sa pwesto si OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr. at SAP Anton Lagdameo sa pamamagitan ng 2 pinagtibay na resolusyon
- Diane Hora
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng Resolution Nos. 717 at 718, buo ang suporta na inihayag ng mga miyembro ng BTA para kay OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr. at SAP Anton Lagdameo.
Nasaad din sa dalawang resolusyon na panatilihin ang dalawang opisyal sa posisyon.
Ito ay sa gitna ng isinasagawang performance review sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang dalawang resolusyon ay inihain ni BTA Deputy Speaker Abdulkarim Misuari, MP Randolph Parcacio, MP Romeo Sema, MP Nurredha Misuari at MP Saripuddin Jikiri.
Comments